Pinadaragdagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang bilang ng Walang Gutom Kitchen ngayong taon hanggang sa susunod na taong 2027 at maabot ang 12 target.
Sa Palace Press Briefing, sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na daragdagan nila ng tatlo pa ang Walang Gutom Kitchen na kasalukuyang nasa Pasay, nasa Pier area ng Cebu, at market area ng Zamboanga City.
Isa aniya sa tatlong bubuksan sa taong ito ay isasabay sa birthday ni Pangulong Marcos sa susunod na buwan sa Caraga Region at dalawang iba pa.
Ipupuwesto, ani Gatchalian, nila ang mga itatayong Walang Gutom Kitchen sa mga area kung saan may mataas na hunger incidents na pati mga seasonal workers ay target na mapakain.
Ang Walang Gutom Kitchen ay para sa mga kwalipikadong benepisyaryo na kung saan, may assessment at proseso ng pagtukoy ang DSWD sa mga kuwalipikadong makakain sa nasabing kainan.