Pinaalalahanan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga miyembro ng Social Security System (SSS) na kabilang sa Group 3 ng UPLIFT Assistance na tiyaking updated ang kanilang disbursement account para makatanggap ng cash assistance.
Batay sa datos ng SSS at 2024 Community-Based Monitoring System ng Philippine Statistics Authority, nasa 620,000 SSS members na may ₱10,000 monthly salary credit (MSC) ang natukoy na kabilang sa grupong ito.
Ayon sa DSWD, dapat tiyakin ng mga benepisyaryo na updated ang kanilang disbursement account mula October 20-22.
Maaari ring direktang makipag-ugnayan sa pinakamalapit na sangay ng SSS kung kinakailangan.
Ang UPLIFT Assistance ay ipinatutupad sa ilalim ng Executive Order No. 110, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magbigay ng tulong sa mga mahihirap at iba pang vulnerable sectors na naapektuhan ng patuloy na energy crisis.