Nagsuspinde muli ng klase ang ilang lokal na pamahalaan sa iba’t ibang bahagi ng Luzon para sa araw ng Biyernes, Agosto 14, 2026. Ito ay dulot ng patuloy na pag-ulan at banta ng pagbaha na dala ng Southwest Monsoon o Hanging Habagat.
Upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral at guro, nagpatupad ang mga Local Government Unit (LGU) ng kabuuang kanselasyon ng klase o kaya ay paglipat sa alternative learning modalities para sa mga in-person class.
Narito ang organisadong talaan ng mga lugar na suspendido ang klase ngayong Biyernes, Agosto 14:
National Capital Region (Metro Manila)
- Manila: Face-to-face classes mula Preschool hanggang Senior High School (pampubliko at pampribado)
- Valenzuela: Face-to-face classes sa lahat ng antas (pampubliko at pampribado)
- Pasig: Face-to-Face classes sa Child Development Centers, Kindergarten, Grades 1-12, ALS – shift to alternative delivery modes at asynchronous learning
- Mandaluyong: Face-to-Face classes sa Child Development Centers, Kindergarten, Grades 1-12, ALS – shift to alternative delivery modes at asynchronous learning
- Malabon: Face-to-face classes sa lahat ng antas (pampubliko at pampribado) – shift to alternative delivery modes at asynchronous learning
- San Juan: Lahat ng antas (pampubliko at pampribado)
- Pateros: Child Development Centers, Kindergarten, Grades 1-12, ALS (public and private)
- Las Piñas: Lahat ng antas (pampubliko at pampribado)
REGION IV-A (CALABARZON)
Lalawigan ng Cavite
- Bacoor City at Kawit: Face-to-face classes sa lahat ng antas (pampubliko at pampribado)
- Noveleta: Face-to-face classes sa lahat ng antas, pampubliko at pampribado (hanggang Sabado, Agosto 15)
- Imus: Lahat ng antas (pampubliko at pribadong)– shift to alternative delivery modes at asynchronous learning
REGION III (CENTRAL LUZON)
Lalawigan ng Bulacan
- Calumpit, Hagonoy, at Obando: Lahat ng antas (pampubliko at pampribado)
- Balagtas, Baliwag City, Bulakan, Malolos City, Norzagaray, Paombong, San Jose del Monte City, at Santa Maria: Face-to-face classes sa lahat ng antas (pampubliko at pampribado)
- San Miguel: Face-to-face classes mula Preschool hanggang Senior High School (pampubliko at pampribado)
Lalawigan ng Pampanga
- Candaba, Guagua, Masantol, San Simon, at Santo Tomas: Face-to-face classes sa lahat ng antas (pampubliko at pampribado)
- Bacolor: Face-to-face classes sa mga piling paaralan (Bacolor Integrated School-Cabambangan, Tinajero Integrated School-Tinajero, Cabetican Elementary School Proper-Cabetican, Pampanga State University-Bacolor, at Cabalantian Elementary School)
CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION (CAR)
Lalawigan ng Benguet
- Bakun: Preschool hanggang Elementary (pampubliko at pampribado)
- Atok: Face-to-face classes mula Preschool hanggang Senior High School (pampubliko at pampribado)
- Buguias: Face-to-face classes mula Preschool hanggang Elementary (pampubliko at pampribado)
REGION I (ILOCOS REGION)
Lalawigan ng Pangasinan
- Lingayen: Lahat ng antas (pampublikong paaralan lamang)
- Mangatarem: Face-to-face classes sa lahat ng antas (pampubliko at pampribado)
- Mangaldan: Face-to-face classes sa lahat ng antas, pampubliko at pampribado (isinasagawa rin para sa anti-dengue operations)
I-refresh ang pahinang ito para sa mga susunod pang opisyal na anunsyo at update mula sa mga lokal na pamahalaan.