Hindi nakikita ng Malacañang na magkakaroon ng conflict sa usad ng impeachment at ang asuntong Grave Threat na isinampa kamakailan kay Bise Presidente Sara Duterte sa Quezon City Trial Court.
Paliwanag ni Palace Press Officer Undersecretary Clare Castro, maaari silang pagsabayin gayung ang dinidinig sa impeachment proceedings ay kasong administratibo.
Dito inaalam kung ang isang lider ay dapat pang manatiling lider, habang tinutukoy ang kapasidad ng kanyang mental health, pagiging agresibo pati na ang anger management.
Criminal case naman sa kabilang banda ang kinakaharap ng Bise Presidente kaugnay ng Grave Threat charges nito na isinampa nitong nakaraang August 11 na inihain ng Department of Justice (DOJ).
Kaugnay ito ng mga naging pahayag niya noong 2024 tungkol kina President Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez.