Photo courtesy of Jobstreet by SEEK
Tinatayang aabot sa anim sa bawat sampung manggagawang Pilipino ang nagsabing masaya sila sa kanilang kasalukuyang sahod, ayon sa survey na isinagawa ng Jobstreet by SEEK.
Batay sa survey, 59% ng mga empleyado ang masaya sa kanilang sahod, habang 80% ang naniniwalang patas ang kanilang suweldo. Gayunman, 45% ang nagsabing kulang pa rin ang kanilang kinikita upang matugunan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Ayon sa ulat, mahalaga ang patas na kompensasyon at bukas na pag-uusap tungkol sa sahod upang mapanatiling motivated at manatili sa trabaho ang mga empleyado.
Isinagawa ang online survey noong Pebrero 2026 sa 1,009 na kasalukuyang empleyadong Pilipino, edad 18 hanggang 64.