Photo courtesy fo DHSUD
Patuloy na nakakuha ng mataas na public satisfaction rating ang housing programs para sa mga mahihirap sa ilalim ng Administrasyong Marcos, batay sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS).
Umabot sa +48 ang net satisfaction rating ng government housing programs, mas mataas kumpara sa +45 noong 1st Quarter 2026 survey.
Kabilang ang pabahay sa mga government services na nakatanggap ng positibong pagtanggap mula sa publiko, kasama ang edukasyon, tulong sa mahihirap, paglikha ng trabaho, food security, at science and technology.
Ayon sa Department of Human Settlements and Urban Development o DHSUD, nakatutulong sa pagtaas ng public satisfaction ang patuloy na pagpapatupad ng Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino o 4PH Program, na naglalayong makapagbigay ng ligtas, disente at abot-kayang pabahay sa mas maraming Pilipino.
Samantala, sinabi ni DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling na magsisilbing dagdag na hamon at inspirasyon ang resulta ng survey upang higit pang pagbutihin ang pagpapatupad ng Expanded 4PH Program.