Umaarangkada na simula ngayong araw, Agosto 15, ang P12 kada litro na fuel discount para sa mga kwalipikadong public utility jeepney o PUJ at UV Express drivers at operators.
Sa ilalim ng programa, maaaring makakuha ang bawat kwalipikadong benepisyaryo ng fuel discount na hanggang 150 litro, katumbas ng maximum na P1,800 na ayuda kada linggo.
Isinasagawa ang programa sa pamamagitan ng Department of Energy (DOE), Department of Transportation (DOTr), LTFRB, DICT, at LANDBANK, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Maaari nang i-avail ng mga kwalipikadong PUV operators at drivers ang diskuwento sa mga participating gas stations simula ngayong araw.