Photo courtesy of Marikina PIO
Puspusan ang mga isinasagawang flood mitigation effort at disaster preparedness sa Marikina City.
Ayon kay Marikina City Mayor Maan Teodoro, hindi hinihintay ng lokal na pamahalaan ang tag-ulan bago kumilos dahil buong taon ang declogging at maintenance ng mga daluyan ng tubig.
Kabilang sa mga isinasagawang hakbang ng pamahalaang lungsod ang dredging ng Marikina River, paglilinis at maintenance ng mga kanal, sapa, at daluyan ng tubig, at pagpapalakas ng drainage capacity.
Sinabi rin ng alkalde na hindi magiging kampante ang lungsod at patuloy ang pagpapabuti ng drainage at flood-control systems dahil sa pabago-bagong lagay ng panahon.
Samantala, hinimok naman ni Marikina 1st District Representative Marcy Teodoro ang mga residente na manatiling alerto at sumunod sa mga weather at flood advisory. Sa ngayon, bumalik na rin sa normal ang antas ng tubig sa Marikina River sa gitna ng mga pag-ulan na dulot ng habagat.