Ginising ng isang magnitude 7.7 na lindol ang isla ng Flores sa Indonesia Sabado ng umaga.
Ayon sa report ng CNN International, dakong ala-sais ng umaga ng naramdaman ang 7.7 earthquake na sinundan ng magnitudes 5.9, 5.6 at 6.1 na aftershocks.
Batay sa paunang bilang ng Indonesian Authorities, dalawa ang kumpirmadong nasawi habang patuloy pa ding inaalam ang tunay na dami ng nasawi o nasaktan sa nasabing lindol.
Naramdaman ang lindol sa Isla ng Flores na puntahan ng mga turista kabilang na dito ang tourist hotspot na Bali sa Indonesia.
Kabilang ang Flores sa mga island chain ng Sunda na tinaguriang gateway sa Komodo Island National Park.
Dahil sa nasabing lindol, naunang ng nagtaas ng tsumami alert ang indonesian Authorities na binawi din matapos ang ilang oras.