Iminungkahi ng isang mambabatas ang mas mahigpit at siyentipikong paraan ng pamamahala sa basura, kabilang ang pagsusuri sa mga patakaran sa pagtatapon at pagsusunog nito.
Sa Saturday News Forum, sinabi ni Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante na hindi lamang ang national government ang dapat managot sa problema sa basura, kundi pati ang mga local government unit (LGU) at mamamayan.
Iginiit na dapat maging mas aktibo ang mga LGU at barangay sa pagpapatupad ng tamang pagtatapon ng basura.
Kinuwestiyon din ang waste segregation dahil may mga pagkakataong muling pinagsasama-sama umano ng mga garbage truck ang mga pinaghiwa-hiwalay na basura. Binigyang-diin ang pangangailangan ng malinaw na panuntunan at kaparusahan upang mapalakas ang disiplina sa pagtatapon ng basura.