Nilinaw ng Prosecution Panel na hindi nito inaalis ang bribery article sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, bagkus ay binago lamang ang pagkakasunod-sunod ng kanilang presentasyon ng ebidensya.
Sa Day 22 ng impeachment trial, sinabi ni Lead Prosecutor Rep. Gerville Luistro na bagama’t nakatakdang huling iharap ang Article II o ang tungkol sa Unexplained Wealth, gagamitin ng Prosecution ang prerogative nito na unahin ang presentasyon ng ebidensya para sa naturang article.
Ayon kay Luistro, pagkatapos ng Unexplained Wealth ay saka nila ihaharap ang ebidensya para sa bribery o Article III, na siyang magiging huling article na kanilang tatalakayin.
Matapos nito, nilinaw ni Impeachment Court Presiding Officer Sen. Chiz Escudero kung nangangahulugan ito na pinag-aaralan pa rin ng Prosecution kung tuluyang ihuhulog ang bribery article, gaya ng nabanggit ni Rep. Chua nitong mga nakalipas na araw.
Sinagot ni Luistro na sa ngayon, desisyon ng Prosecution na panatilihin ang parehong articles sa kanilang presentasyon ng ebidensya. Samantala, sinabi ni Lead Defense Counsel Atty. Sheila Sison na tatanggapin ng Depensa ang naging pahayag ng Prosecution at kinilala ang prerogative nito na magtakda ng sariling pagkakasunod-sunod sa presentasyon ng mga ebidensya.