Photo courtesy of Philippine Statistics Authority (PSA)
Ikinonekta na ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang mobile banking apps ng Land Bank of the Philippines (LANDBANK) at Overseas Filipino Bank (OF Bank) sa National ID authentication service.
Sa ilalim ng Memorandum of Agreement, maaari nang magbukas ng mobile bank account ang mga rehistrado at beripikadong indibidwal sa National ID kahit walang pisikal na ID card.
Layunin ng hakbang na gawing mas mabilis at accessible ang pagbubukas ng bank account gamit ang mobile applications.
Isinagawa ang integrasyon sa pakikipagtulungan ng PSA at Department of Information and Communications Technology (DICT) sa pamamagitan ng National ID eVerify.
Pinangunahan ni PSA Assistant Secretary Rosalinda Bautista ang mga opisyal ng PSA sa seremonya, habang kinatawan ng DICT si Secretary Henry Aguda. Dumalo rin sina LANDBANK President at CEO Ma. Lynette Ortiz at OF Bank President at CEO Leila Martin sa pormal na paglagda ng kasunduan.