Photo courtesy of AFP
Pinatatag ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Antonio Nafarrete ang kahandaan at koordinasyon ng Philippine Navy.
Ito ay matapos ang kanyang leadership engagement sa Philippine Navy Headquarters sa Naval Station Jose Andrada sa Maynila.
Binigyang-diin ng AFP Chief ang pagpapalakas ng kahandaan, pagpapaunlad ng kakayahan, at interoperability ng mga puwersa.
Hinimok din niya ang mga tauhan ng Sandatahang Lakas na panatilihing malinaw ang kanilang mga prayoridad at patuloy na pangalagaan ang kapakanan ng mga sundalo. Layunin ng engagement na mapalakas ang pagkakaisa at kakayahan ng AFP sa pagtupad sa mandato nitong ipagtanggol ang bansa at protektahan ang mga Pilipino.