Tumaas pa ng 1.06 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam sa nakalipas na magdamag dahil sa mga pag-ulan.
Batay sa monitoring ng PAGASA Hydrometeorology Division, nasa 182.63 meters na ang lebel ng tubig sa Angat Dam hanggang 8:00 AM kanina.
Mas mataas na ito sa Normal Operating Level na 180 meters.
Samantala, nilimitahan na ang discharge o pagpapakawala ng tubig sa Ambuklao Dam sa 201.65 cubic meters per second, mula sa 246.05 cms kahapon. Sa Binga Dam naman, binawasan din ang discharge sa 277.51 cms mula sa 327.25 cms. Samantala, nasa 79.48 meters ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam.