Photo courtesy of PHILVOCS
Nakapagtala ang PHIVOLCS ng walong volcanic earthquake sa Bulkang Bulusan sa nakalipas na 24 oras, batay sa kanilang ulat ngayong August 16, 2026.
Nasa 50 tonelada kada araw ang sulfur dioxide flux sa naturang bulkan, batay sa kanilang pinakahuling monitoring nitong July 21, 2026.
May mahinang pagsingaw ang plume ng bulkan na napadpad sa kanluran-hilagang-kanluran. Naitala rin ang panandaliang pamamaga ng bulkan.
Sa ngayon, nakataas ang Alert Level 1 sa Bulkang Bulusan, kaya mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng 4-km Permanent Danger Zone at ang pagpasok nang walang pag-iingat sa 2-km Extended Danger Zone o EDZ sa gawing timog-silangan. Ipinagbabawal din ang pagpapalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid sa ibabaw ng bulkan.
Pinaalalahanan din ng ahensya ang publiko na posibleng maganap ang biglaang pagputok ng steam o phreatic explosion anumang oras. | ulat ni Syrl Anne Luzon | RP Albay