Photo courtesy of PHILVOCS
Sa nakalipas na 24 oras, nakapagtala ang PHIVOLCS sa Bulkang Mayon ng apat na volcanic earthquake, ayon sa ulat ng ahensya ngayong August 15, 2026.
Umabot sa 3,295 tonelada kada araw ang sulfur dioxide flux ng bulkan, batay sa pinakahuling monitoring ng ahensya nitong August 14.
Nasa katamtamang pagsingaw ang plume ng bulkan na napadpad sa silangan.
Naitala rin ang panandaliang pag-impis ng bulkan, na may nagsisimulang pamamaga sa hilagang-silangang bahagi nito.
Sa ngayon, nananatiling nakataas ang Alert Level 2 sa Bulkang Mayon, kung kaya’t mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng 6-kilometer Permanent Danger Zone at ang paglipad ng anumang sasakyang panghimpapawid sa ibabaw ng bulkan.
\Pinaalalahanan din ng ahensya ang publiko sa posibilidad ng pagguho ng bato, pag-itsa ng mga tipak ng lava o bato, pag-agos ng lava, uson, katamtamang pagputok, at pag-agos ng lahar sakaling magkaroon ng matinding pag-ulan.