Hindi lamang mga apektadong pamilya ang tinutulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil pati mga kawani nitong nasa frontline ng disaster response ay binibigyang-pansin ang kalusugan at kapakanan.
Bilang bahagi ng Caring for the Carers Program, namahagi ang DSWD Field Office 3 – Central Luzon, katuwang ang Provincial Health Office ng Pampanga, ng 10,000 multivitamins at 400 paracetamol tablets sa mga frontline responder na patuloy na naglilingkod sa mga komunidad na naapektuhan ng Bagyong Luis at Maymay at pinalakas na Habagat.
Kabilang sa mga nabigyan ang SWAD Bulacan: 3,000 multivitamins at 100 paracetamol tablets; SWAD Bataan: 2,000 multivitamins at 80 paracetamol tablets; SWAD Pampanga: 2,000 multivitamins at 80 paracetamol tablets; SWAD Zambales: 2,000 multivitamins at 80 paracetamol tablets at DRMD: 1,000 multivitamins at 60 paracetamol tablets
Layon ng programa na matiyak na nananatiling malusog at handa ang “Angels in Red Vests” habang patuloy silang tumutugon sa pangangailangan ng mga apektadong pamilya.