Inilahad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ilan sa mga nais niyang iwang legasiya para sa mga Pilipino.
Ilan sa mga nabanggit ng Punong Ehekutibo na kanyang pinagsusumikapan ay mas maayos na Pilipinas at mas maayos na buhay para sa mga Pilipino.
Kasama din sa nais ng Pangulo na iwang legasiya ay makalikha ng mas marami pang trabaho, madagdagan ang kabuhayan ng mamamayan, at maging importanteng bahagi ang bansa ng global economy.
Umaasa din ang Chief Executive na tuluyang maibabalik ang tiwala ng tao sa gobyerno at titingnan bilang institusyon na marunong makinig sa mga tao.
Para maabot ito, sabi ng Pangulo, ay mahalagang maramdaman ng mga tao na ka-partner nito ang pamahalaan at maging magkatuwang para sa mas magandang Pilipinas.
