Nakataas ang heavy rainfall warning sa Metro Manila at ilang kalapit nitong lugar dahil sa nararanasang patuloy na pag-ulan na dulot ng Habagat.
Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA, kaninang alas-8 ng umaga, umiiral ang Yellow Rainfall Warning sa Metro Manila, gayundin ang ilang bahagi ng Cavite, Zambales, Batangas, Rizal, at Bataan.
Pinag-iingat ang mga residente sa banta ng mga pagbaha lalo sa mga low lying areas.
Samantala, light to moderate rains na may paminsan-minsang malalakas na buhos ang nararanasan sa ilang bahagi ng Tarlac, Pampanga, Bulacan, Nueva Ecija, Laguna, Cavite, Zambales, Bataan, Rizal, Quezon at Batangas.
Ayon sa PAGASA, maaaring magpatuloy ang mga pag-ulan sa mga nabanggit na lugar sa susunod na tatlong oras at maaari ring makaapekto sa mga kalapit na lugar.