Nilinaw ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na walang distansiya sa pagitan ng Pilipinas at China kung pag-uusapan ay kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa.
Sa kabila ito ng nagpapatuloy pa ring conflicting claims o usapin sa teritoryo gaya ng West Philippine Sea.
Pagbibigay-diin ni Pangulong Marcos, hindi kailanman nagkaroon ng polisiya ang Pilipinas para putulin nito ang pakikipag-ugnayan sa China lalo na sa aspeto ng ekonomiya at sa katunayan sabi ng Pangulo ay patuloy na nakakakita ang bansa ng maraming pagkakataon na magkaroon ng economic cooperation dito.
Binigyang-diin ng Chief Executive na nananatiling isa sa pinakamalaking investors ng Pilipinas ang China at isa din aniya ito sa naka- ugnayan ng bansa nang unang sumiklab ang Middle East conflict.
Dagdag ng Pangulo na ang kawalan ng visa policy sa China ay isang kahayagan din upang patunayang bukas ang pintuan ng bansa sa anomang oportunidad.