Nasa pitong cold-storage ang itinatayo ng Department of Agriculture (DA) sa Cordillera Administrative Region (CAR), upang maiwasan ang pagka-aksaya ng mga gulay at iba pang pananim, lalo na tuwing tag-ulan.
“Ang ginawa rin ng regional office ng DA ay tumulong para magdala, so tumulong din sila na magdala ng mga gulay sa Pampanga, Manila at Cavite,” ani Castro.
Ayon kay Communications Undersecretary Claire Castro, bawat cold-storage ay isang 44-foot container, kaya’t marami itong maiimbak na ani, tuwing tag-ulan.
“In the long term, for the 2027 budget, mayroon silang (DA) proposal for a vegetable processing facility in a 1.5-hectare property located in La Trinidad na kung saan makakapagproseso ng mga gulay at makakapagbigay ng higher value and longer shelf life.” -Castro
Aniya, sinabi ng DA, ang mga pagguho ng lupa bunsod ng mga pag-ulan ay isang hadlang sa mga trader at buyers upang makarating sa trading posts.
Malaking epekto aniya ito sa movement ng mga farm produce na madaling mabulok, kaya’t ang mga pasilidad na itatayo ng DA ay makakatulong nang malaki sa mga magsasaka.
“About more or less mga 1.2 million ang nabenta na vegetables or gulay over this past week. At mino-monitor pa rin ng DA ang mga trading post para makita kung ano pang tulong ang maibibigay sa mga magsasaka,” dagdag pa ni Castro.