Photo courtesy of National Grid Corporation of the Philippines
Isasailalim sa Red Alert at Yellow Alert ang Visayas Grid ngayong hapon at mamayang gabi dahil sa inaasahang manipis na suplay ng kuryente.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ipatutupad ang Red Alert mula alas-6 hanggang alas-7 ng gabi, habang ipatutupad naman ang Yellow Alert mula alas-5 hanggang ng hapon hanggang alas-6 ng gabi, at mula alas-7 hanggang alas-10 ng gabi.
Sinabi ng ahensya na kabilang sa mga dahilan ng red alert status ang unavailability ng malalaking coal plant sa Visayas, gayundin ang limitadong importasyon ng kuryente mula sa Mindanao.
Tumaas din nang 53 megawatts ang forecasted power demand bandang alas-siyete ng gabi. Umabot naman sa 819.6 megawatts ang kabuuang kapasidad na hindi magagamit ng grid dahil sa mga plantang nasa forced outage at sa mga tumatakbo sa derated capacities.