Humigit-kumulang 200 kinatawan mula sa 60 pilot government agencies ang lumahok sa PRIME-ESG Foundations Course ng Civil Service Commission noong August 17 at 18 sa Quezon City.
Bahagi ito ng Philippine Civil Service Modernization Project (PCSMP), na suportado ng World Bank sa pamamagitan ng Official Development Assistance.
Layunin ng programa na magkaroon ng iisang pag-unawa ang mga ahensya sa PRIME-ESG framework at sa mga pamantayan para sa maayos na pamamahala.
Ayon kay CSC Chairperson Marilyn Yap, hinihikayat ng PRIME-ESG ang mga ahensya na higit pa sa compliance at tiyaking epektibo, sustainable, patas, at accountable ang kanilang mga sistema.
Kabilang sa mga kalahok ang national government agencies, state universities and colleges, government-owned and controlled corporations, at local government units. Magpapatuloy ang learning program sa Operations Manual 02 – Governance Level Operations sa August 25 at 26.