Photo courtsey of Department of Transportation (DOTr)
Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) ang tuloy-tuloy na serbisyo ng pampublikong transportasyon sa kabila ng malakas na pag-ulan dulot ng habagat.
Ito ay matapos magsagawa ng inspeksyon ang mga opisyal ng DOTr sa MRT-3, EDSA Busway, PITX, at NAIA Terminal 3.
Iniutos ni Transportation Secretary Banoy Lopez na tiyaking maayos ang serbisyo ng tren, busway, ports, at mga paliparan para sa ligtas at komportableng biyahe ng mga pasahero.
Sa isinagawang inspeksyon, walang naitalang pinsala sa mga nasabing pasilidad matapos ang malakas na pag-ulan, gayundin sa mga rail infrastructure project gaya ng MRT-7, North-South Commuter Railway, Metro Manila Subway Project, at Common Station.
Patuloy ding nagpapatupad ang DOTr ng libreng sakay para sa mga komyuter, at nagbibigay ng libreng pagkain, tubig, at charging areas sa mga stranded na pasahero.
Ayon naman sa Civil Aviation Authority of the Philippines, limang cancelled flight mula sa Cebu Pacific ang naitala ngayong araw, August 19, habang patuloy ang pag-monitor nito sa lagay ng panahon at sa operasyon ng mga paliparan