Nananatiling bukas ang ilang mga tanggapan ng Makati City Government na may kaugnayan sa social services para sa mga residente na nangangailangan ng ilang mga serbsiyo ng pamahalaan.
Sa isang Advisory ng Makati City nananatiling bukas ang mga tangapan ng: Barangay Health Centers, Ospital ng Makati, Disaster Risk Reduction and Management Office, Public Safety Department, Makati Action Center, Department of Environmental Services, Department of Engneering and Public Works, Makati Social and Welfare Department, at Veterinary Services Department Meat Inspection.
Ayon sa Makati City Government, ito ay upang handa ang lungsod sa anumang hamon ng sakuna at pangangailangan ng atensyong medikal ng mga residente.
Magpapatupad naman sila ng skeletal workforce sa iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan.