Target ng Department of Energy (DOE) na makapag-generate ng nasa 400 megawatts ng kuryente mula sa mga basurang makukuha sa Metro Manila.
Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, posibleng sa 2028 pa masimulan ang produksyon nito dahil susuriin pa ng ibang tanggapan ng gobyerno ang seguridad at kalinisan ng mga maiipong basura.
Posibleng mapakinabangan ang kuryenteng makukuha at malilikha mula sa mga basura sa Luzon at Visayas sa isinusulong na Green Energy Auction Program (GEAP) ng DOE.
Inaayos na lamang ang magiging guidelines ng mga ito upang walang maging problema sa kalikasan.