Hinimok ng House prosecutors ang mga senator-judge na personal na dumalo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Tugon ito sa in-upload na larawan ni Senator Robin Padilla noong Lunes kung saan makikitang kasama niya sina Sen. Mark Villar at Sen. Bong Go na nanonood ng trial mula sa Senate lounge.
Paliwanag ng prosecution panel, pagkakataon ng panonood ng live na makita at masuri ang aktuwal na kilos at gawi ng mga testigo habang tinatanong.
Ayon kay legal spokesperson Atty. Jay Tolosa, kinikilala sa jurisprudence na mahalagang personal na makita ng judge ang pagtestigo ng isang saksi bago magdesisyon kung guilty o hindi ang isang akusado.
Sinabi rin ni Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong na ang paraan ng pagsagot ng testigo ay bahagi ng batayan sa pagpapasiya kung ipawawalang-sala o hahatulang guilty ang akusado.
Anila, nirerespeto nila ang mga senator-judge at sinabing sinabing may sariling mga alituntunin o rules sa impeachment na sinusunod ang mga ito.