Isinasapinal na ng Department of Energy (DOE) ang kanilang master plan upang maibsan ang kakapusan ng kuryente sa buong Visayas Region matapos ang sunod-sunod na alerts mula sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, patapos na ang kanilang plano sa buong Visayas para wakasan na ang patuloy na Yellow at Red Alert sa buong Visayas.
Dagdag pa ng kalihim na may mga ilan pa silang sinusuri sa kanilang isasagawang reintegration ng mga planta upang mas maging reliable na ang supply at wala nang mangyaring alerto sa supply sa grid.
Inaasahan namang matatapos ito sa lalong madaing panahon.