Kasalukuyang isinasagawa ang final testing and sealing sa mga paaralang designated bilang voting center para sa makasaysayang halalang BARMM. Ito ay sinaksihan ng mga paralegal mula sa iba’t ibang partido at naroon din ang mga international observers mula sa iba’t ibang bansa.
Ang final testing and sealing ay isinasagawa sa unang pagkakataon sa mismong voting centers, kung saan dati ay simultaneous itong nagaganap sa isang area gaya ng covered court o gymnasium.
Ayon sa panayam ng Radyo Pilipinas Tawi-Tawi kay Provincial Election Supervisor Atty. Alnie Burahim, layon ng nasabing FTS sa mismong precinct level na masubukan ang mga ACM, internet connectivity, at matukoy ang mga solusyon sakaling magkaproblema ang mga ito.
Mariing inihayag ni Atty. Burahim na sakaling magkaroon ng aberya sa ACM, ay may nakalaan para sa agarang replacement nito. Matapos ang FTS, maiiwan na ang mga ACM sa mismong precinct at para sa seguridad nito ay babantayan ng mga pulis, coast guard, at Philippine Navy Marines.