Iniulat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na kumpleto na ang 1,261 sa 1,559 na proyektong pinondohan sa ilalim ng Seal of Good Local Governance-Incentive Fund, o 81% ng kabuuang proyekto.
Ayon kay DILG-Bulacan Director Myrvi Apostol-Fabia,kabilang dito ang mga evacuation center, drainage system, at iba pang imprastraktura para sa mga komunidad.
Sa Bulacan, mayroon nang 460 evacuation centers para sa mga residenteng apektado ng kalamidad.
Pinabibilis din ng mga farm-to-market road ang paghahatid ng produkto ng mga magsasaka sa mga pamilihan.
Pinalalawak din ng programa ang serbisyo para sa PWDs at partisipasyon ng civil society organizations.
Sinabi ni Fabia, layunin ng pondo na gawing konkretong proyekto ang mahusay na pamamahala para sa kapakinabangan ng publiko.