Ipagpapatuloy ngayong Sabado, Oktubre 17, ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang ikalawang yugto ng rehabilitasyon sa southbound lane ng EDSA, mula Monumento hanggang Balintawak, na may mga gawaing magtutuloy-tuloy, 24 oras kada araw.
Kabilang sa mga apektadong bahagi ang Balintawak hanggang Roosevelt, malapit sa Zinnia Road, ang lugar mula Kaingin Road hanggang North Avenue Bus Station, at ang Monumento Bus Station hanggang A. De Jesus Road.
Kabilang sa mga isinasagawang trabaho ang paghahanda ng road base, paglalagay ng bakal, at pagbubuhos ng kongkreto. Susundan ito ng cutting, paglalagay ng sealant, at curing ng bagong kongkreto.
Magkakaroon ng lane closures sa mga apektadong lugar, ngunit mananatiling bukas ang ibang mga lane para sa mga motorista.
Inaasahang muling bubuksan sa trapiko ang mga apektadong bahagi ng EDSA sa Lunes, Oktubre 19, 5:00 ng umaga.
Pinapayuhan ang mga motorista na sumunod sa mga traffic advisory, mag-ingat sa pagmamaneho, at gumamit ng alternatibong ruta upang maiwasan ang abala sa biyahe.
