Photo courtesy of National Council for Children's Television
Sa isang dekada ng DokyuBata, muling gagamitin ng mga dokumentarista ang kapangyarihan ng pagkukuwento upang itampok ang mga karanasan, ilantad ang mga isyung kinakaharap, at isulong ang karapatan ng mga batang Pilipino.
Kaugnay nito, inanunsyo na ng National Council for Children’s Television (NCCT) ang Top 10 finalists sa bawat kategorya ng DokyuBata Dekada, na may temang “Kuwento ng Kabataan, Bayan, at ng Pagbabago.”
Narito ang listahan ng finalists sa bawat kategorya:

ADULT DIVISION
- AGOS: The Unseen Scars of the Flood
- Ako Aglimut Mo
- Gaud
- Habang Nandito Ka
- Home Visit
- KANDONG ng isang BANYAGA
- Mataya-taya
- Tara sa Komyu
- Ti Karayan Bislak ken dagiti Babbai ti Canaam
- Wir kommen von den Philippinen (Mula kami sa Pilipinas)
YOUNG ADULT DIVISION
- Anak Bale-Balayan
- Ang Pagpondo sa Pangandoy
- Boses. Ilaw. Gabay.
- Di Maupos na Pag-antos
- Doble-Kara, Joemar
- Kikay
- Kung Saan Nagtatapos ang Sementadong Daan
- Lila sa Gitna ng Asul
- Sa Kabila ng Agos
- Satra Maestra
CHILDREN DIVISION
- Baldeng de Butas
- Barug
- Buluthuan Sang Pangandoy
- Hampas ng Buhay
- Magtanim ay ‘Di Biro
- Mesa ng Masa
- Raya
- Sa Loob ng Garapiñera
- Sinulid
- Touch Some Grass
Inaanyayahan ng NCCT ang publiko na panoorin ang mga dokumentaryo sa JuanFlix: The FDCP Channel simula November 9, 2026. Maaari ring bumoto ang mga manonood sa paborito nilang dokumentaryo para sa Audience Choice Award.
Gaganapin naman sa November 25, 2026 ang DokyuBata Dekada National Awarding Ceremony upang kilalanin ang mga natatanging dokumentaryo sa kompetisyon.