Tinututukan na ng provincial government ng Pampanga ang isyu ng pagbaha sa kanilang probinsya particular sa Macabebe at Masantol, Pampanga, na hanggang ngayon ay baha pa rin.
Ayon kay Pampanga Governor Lilia Pineda, nasa below sea level na kasi ang Macabebe at Masantol kaya naman oras na bumuhos ang malakas na ulan ay hindi lang ang ulang sinasalo nila ang problema kundi maging ang epekto ng high tide ay nakakadagdag na rin.
Ani Pineda, naiipon sa Pampanga ang tubig mula Nueva Ecija, Sierra Madre at iba pang karatig na lugar dahil sila rin ang pinakamalapit sa Pampanga Bay.
Kaya naman ang naiisip na solusyon dito ng Pampanga Provincial Government ay ang dredging o pagpapalalim sa dagat upang maiwasan ang backflow ng tubig sa mabababang lugar.
Kaya naman nakikipagtulungan na sila sa National Government at iba pang ahensiya ng pamahalaan para sa isang long-term master plan upang masagot na ang perwisyong baha sa Pampanga.