Mas tututukan pa ngayon ng Department of Education (DepEd) ang pagpapalakas sa mga programa at interbensiyon kaugnay sa mental health sa mga paaralan bunsod ng mas matinding pangangailangan dito.
Ito ang naging pahayag ni DepEd Secretary Sonny Angara kasunod ng insidente ng pamamaril sa Ateneo De Zamboanga University.
Ayon sa kalihim, mahalagang aspeto na matutukan ang mental health ng mga estudyante upang mas mailayo sila sa ano mang posibilidad na masangkot sa mga akto ng karahasan o impluwensiya mula sa mga masasamang-loob.
Dagdag pa ni Angara, na pinapayagan din ang police visibility sa bisinidad ng mga paaralan at maging sa entry points nito lalo na kung may banta, kasabay ng planong hakbang sa pagpapakakalat ng mga tanod sa mga eskwelahan na walang security guards.