Nagpaalala ang Department of Health (DOH) ng mga paraan upang makontrol ang stress at anxiety sa panahon ng bagyo at pagbaha.
Pinapayuhan ang publiko na manatiling nakatutok sa mga opisyal na weather at local alerts, ngunit magpahinga muna sa panonood o paggamit ng gadgets kung nakadaragdag ito sa pagkabalisa.
Makatutulong din ang simpleng pag-stretch o paglalakad sa tuyo at ligtas na lugar upang mabawasan ang pisikal na stress.
Kapag nakakaramdam ng matinding pagkabalisa, maaaring dahan-dahang huminga nang apat na segundo, pigilin sandali ang paghinga at saka marahang huminga palabas.
Hinikayat din ng DOH ang publiko na makipag-usap sa pamilya, kapitbahay o community responders, at tumawag sa National Center for Mental Health (NCMH) Crisis Hotline 1553 kung kinakailangan ng agarang suporta.