Nananatiling sapat ang pondo at dollar reserves ng bansa upang matugunan ang mga pambansang gastusin sa kabila ng kaunting pagbaba nito noong Hulyo.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), pumalo sa US$103.3 billion ang Gross International Reserves (GIR) o ang reserbang pondo ng bansa sa pagtatapos ng Hulyo 2026.
Mas mababa ito kumpara sa US$104.7 billion na naitala noong Hunyo 2026.
Ilan sa mga pangunahing dahilan ng pagbaba ng pondo ay ang loan payments ng gobierno, mababang palitan ng piso kontra dolyar, pagbaba ng halaga ng ilang mga asset ng BSP na nakabase sa foreign rate.
Ayon sa BSP, bagamat bumaba ang reserba, bahagya itong naibsan ng kita sa mga investment ng BSP sa abroad at ang pagtaas ng halaga ng ginto sa pandaigdigang merkado na hawak ng bangko central.
Tinitiyak ng BSP na sapat pa rin ang US$103.3 billion GIR upang pondohan ang hanggang 6.7 buwan na pag-aangkat (imports) ng mga produkto at serbisyo ng bansa, at kayang bayaran ang pambansang utang nang hanggang 3.7 beses.