Matapos ang panawagan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), dinagsa ng volunteers ang Luzon Disaster Resource Center (LDRC) sa Pasay City ngayong Huwebes
Ito ay para makiisa sa patuloy na repacking ng Family Food Packs (FFPs) na ipapamahagi sa mga apektado ng mga nagdaang bagyo at Habagat.
Kabilang sa mga tumugon sa panawagan ang mga volunteers mula sa Pacificland, Cebuana Lhuillier, at Members Church of God International (MCGI), katuwang ang mga DOLE-TUPAD at Cash-for-Work beneficiaries na naglalaan ng oras at lakas para sa paghahanda ng relief supplies.
Ayon sa DSWD, sa tulong ng mga ito, napapabilis ang paghahanda ng mga FFP na maaaring agad na maipadala sa mga komunidad na nangangailangan.
Patuloy din ang repacking at replenishment ng relief supplies bilang bahagi ng prepositioning efforts ng DSWD bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Bagyong Neneng, para matiyak na sapat ang stockpile na maaaring agad na ma-deploy sa mga lugar na posibleng maapektuhan.
📸 DSWD

