Photo courtesy of Marcy Teodoro Volunteers FB
Walang-tigil ang isinasagawang dredging operations ng Lungsod ng Marikina upang mas mapaganda pa ang sitwasyon ng lungsod pagdating sa usapin ng pagbaha.
Ito ang binigyang-diin ni Marikina Rep. Marcy Teodoro kasunod ng matinding pagtutok ngayon ng pamahalaan sa mga programa at proyekto kontra-baha lalo’t patuloy ang nararamdamang pag-uulan.
Isa nga sa mga ibinida ni Teodoro ay ang paglaki ng water-carrying capacity ng Marikina River dahil sa patuloy na dredging operations dito.
Ani Teodoro, taong 2022 pa nang umpisahan ang puspusang dredging operations sa Marikina River na ngayon ay makikita naman na ang resulta.
May sarili na ring dredger ang Marikina kaya naman mas natututukan nila ito at nagagamit ang nahuhukay na lupa bilang pantambak sa mga lugar na dapat isaayos.