Photo courtesy of Presidential Communications Office (PCO)
Ibinida mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na totoong nagbunga na ang mga isinagawang flood mitigation efforts ng pamahalaan na nasubok ngayong walang-patid ang nararanasang pag-uulan.
Matapos ang isinagawang situation briefing sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) binigyang-diin ng Pangulo na sa kabila ng insidente ng pagbaha sa ilang lugar kasunod ng tuloy-tuloy na pag-ulan, nabawasan na ito kumpara sa pagbaha noon na umaabot sa ikalawang palapag ng mga kabahayan.
Aniya, mas mabilis na ring humupa ang tubig kumpara sa dating dalawa o tatlong araw na paghihintay para tuluyang mawala ang baha.
Giit ng Pangulong Marcos, na malaking bagay dito ang mga isinagawang dredging at pagpapalaki ng mga drainage para sa mabilis na paghupa ng tubig, maging ang paggamit ng mga pumping stations, at mobile pumping equipment.