Tututukan ni bagong PhilHealth President at CEO Dr. Beverly Ho ang mga nasimulang reporma sa ahensya.
Sa pagharap sa mga media kanina, sinabi ni Dr. Ho na nais niyang maramdaman ng mga miyembro ang bunga ng mga reporma bago pa siya umupo, kaya hindi niya ito babaguhin.
Ang pagtutuunan aniya ngayon ay ang mismong pagpapatupad ng mga ito.
Sanib-puwersa naman ang Department of Health at ang PhilHealth sa ilalim ng Unified National Agenda for Health, kung saan iisa ang kanilang roadmap upang mapabuti ang kalusugan ng mga Pilipino.
Ito ay kung saan sisiguruhin nilang madaragdagan ang access sites, mapapabuti ang benefit packages, at matatanggap ng bawat miyembro ang dekalidad na serbisyo. | ulat ni Diane Lear