Kinumpirma ng Philippine Air Force (PAF) na nag-resign na bilang reservist ng Air Force si dating Congressman at Brigadier General Michael “Mikee” Romero, epektibo nitong August 19, 2026.
Ayon kay PAF spokesperson Col. Ma. Christina Basco, nagpasalamat si Romero sa tiwala at pagkakataong ipinagkaloob sa kanya sa panahon ng kanyang serbisyo.
Bukod dito, kinumpirma rin ni Basco na tinanggal si Romero sa kanyang puwesto bilang Wing Commander ng Tactical Operations Wing (Reserve) Northern Luzon habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Sa ngayon sinusuri ng PAF ang lahat ng rekord upang matiyak na naaayon ang mga ito sa umiiral na patakaran.
Matatandaang nag-viral online ang larawan ni PAF reservist Brigadier General Michael “Mikee” Romero kasama si AFP Chief of Staff General Antonio Nafarrete, kung saan kinuwestiyon ng mga aktibo at dating uniformed personnel ang dami ng medalya at badge nito. | ulat ni Diane Lear