Bibilisan na ng mga senador ang pagtalakay at pagpapasa ng panukalang batas na payong ipagbawal sa mga menor de edad ang social media at ang mga violent social media games kasunod ng shooting incident sa Ateneo de Zamboanga.
Sa isang privilege speech, giniit ni Senate President Sherwin Gatchalian na nakita na sa mga scientific research sa iba’t-ibang bansa na nauudyokana ng social media ang mga bata na gumawa ng karahasan at krimen at naapektuhan rin dito ang kanilang kwentong health at kaligtasan.
Dahil dito, kailangan na aniyang ipradoridad ng senado ang mga social media ban bill kasama na ang kanyang senate bill 2066 na layong ipagbawal ang social media sa mga batang edad 16 pababa.
Sumang ayon naman dito si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri.
Ayon kag Zubiri, dapat na silang magkaroon ng political will ay gayahin ang social media ban for minors na pinapatupad ng England, France, at iba pang mga bansa sa Europe.
Lubha na aniyang nakakaalarma ang masamang epekto nitonsa mga kaisipan at pag uugali ng mga bata.
Pero ayon kay Zubiri, hindi lang social media ang dapat na ipagbawal ko di pati na rin ang mga bayolenteng online games gaya ng mga barilan dahil ito ang ginagaya ng mga bata.
Sinabi naman ni Senate Committee on Public Information Chairman Senator Robin Padilla na isusumite na niya sapinaryo ng senado sa mga susunod na araw ang mga panukala na naglalayong ipagbawal sa mga menor de edad ang social media violent online games website at online community sa nag-uudyok ng karahasan tulad ng true crime community. | ulat ni Nimfa Asuncion