Nakahanda ang pwersa ng pulisya sa Metro Manila para sa posibleng epekto ng Bagyong Neneng at pinsala na dinulot ng ilang araw ng pag-uulan dulot ng Habagat.
Ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO), strategically deployed o nakaposisyon na ang kanilang mga tauhan partikular na ang search and rescue team.
Ganun din ang kanilang assets at equipment sa mga flood prone communities o bahaing lugar sa Metro Manila para rumesponde sa anumang emergency.
Saad pa ng NCRPO, nakikipag-ugnayan na rin ang pulisya iba’t ibang local government units para sa suporta at kinakailangang tulong.
Paalala ng NCRPO sa publiko:
• I-monitor ang lagay ng panahon
• Iwasan ang hindi kinakailangang biyahe sa mga lugar na may banta ng bagyo at habagat
• Lumayo sa mga tabing ilog, daluyan ng tubig o bahainag lugar
• Maghanda ng emergency kit at;
• Sumunod at makipagtulungan sa evacuation order.