Tuloy-tuloy ang paghahatid ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga magsasaka at landowners sa Negros na naapektuhan ng Red-Striped Soft Scale Insect o RSSI infestation.
Nitong Huwebes, August 20, muling namahagi ang DSWD Field Office Negros Island Region ng Emergency Cash Transfer (ECT) sa mga apektadong magsasaka sa Negros Occidental at Negros Oriental.
Nasa kabuuang 2,898 magsasaka ang nakatanggap ng mahigit ₱10,000 ayuda sa Himamaylan City, habang 73 magsasaka naman sa Jimalalud ang tumanggap ng kaparehong halaga.
Patuloy rin ang pamamahagi ng ECT sa iba pang lugar sa Negros, kabilang ang Pamplona at Mabinay.
Layon ng cash aid na maibsan ang epekto ng RSSI infestation sa kabuhayan ng mga magsasaka at makatulong sa pagpapatuloy ng kanilang hanapbuhay, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
📸 DSWD

