Target tapusin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang imbestigasyon sa umano’y sex scandal plot laban kay Executive Secretary Ralph Recto sa loob ng tatlo hanggang limang araw.
Ayon kay NBI Director Atty. Melvin Matibag, maghahain sila ng rekumendadong kaso kung kinakailangan o kung ito ang tutumbukin ng pagsisiyasat.
Lunes nang humarap sa pa-subpoena ng NBI-National Capital Region si Atty. Orlando Mendiola at dalawang junior associates ng Rondain & Mendiola Law Firm.
Pinabulaanan ng mga ito ang unano’y planong character assassination laban sa Executive Secretary.
Inamin ni Mendiola na nakaharap nila ang apat na artista pero para lamang aniya sa interview na hiniling ni dating Cong. Jing Paras.