Photo courtesy of Department of Finance
Iniulat ng Department of Finance (DOF) ang ilang pag-unlad sa ekonomiya ng bansa, kabilang ang mas mataas na koleksiyon ng kita, paglago ng mga pamumuhunan at pagpapalakas ng social protection programs.
Ayon kay Finance Secretary Frederick Go, inaasahang maaabot ng Bureau of Customs (BOC) ngayong 2026 ang target nitong isang trilyong pisong koleksiyon.
Tinatayang aabot din sa record na P147 bilyon ang government dividends, habang umabot sa P1.9 trilyon ang rehistradong investments sa nakalipas na dalawang taon.
Iniulat din ni Go ang 10 porsiyentong pagtaas sa retirement at disability pensions ng Social Security System (SSS), habang lumampas sa P1 trilyon sa unang pagkakataon ang reserve fund nito.
Kabilang din sa mga hakbang ng pamahalaan ang pag-waive ng LANDBANK sa ilang digital payment fees bilang bahagi ng pagpapalawak ng mas abot-kayang financial services.