Photo courtesy of DSWD
Hindi napapatid ang mga inisyatiba ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang bawasan pa ang bilang ng involuntary hunger sa mga Pilipino sa tulong ng Walang Gutom Program gayundin ang Walang Gutom Kitchen at Mobile Kitchens ng ahensiya.
Sa panayam ng programang BOSES kay DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao sinabi nitong bukod sa family food packs ay handog din ng DSWD ang mainit at masustansiyang pagkain sa pamamagitan ng Mobile Kitchens ng ahensiya upang maibsan ang gutom ng mga evacuee.
Pagtitiyak ng DSWD na may sinusundang standard at protocols ang kanilang Walang Gutom at Mobile Kitchens sa paghahain ng pagkain upang siguruhing ligtas, malinis at masustansiya ang lahat ng ihahaing pagkain.
Sinusugan din ni Asec. Dumlao ang naging resulta ng survey sa pagbaba ng food insecurity sa bansa na isang malinaw na testamentong gumagana ang Walang Gutom Program at iba pang inisyatiba ng pamahalaan upang labanan ang kagutuman.