Presyo ng produktong petrolyo, nanganganib tumaas muli sa susunod na linggo
Bad news para sa ating mga motorista dahil mukhang opsiyal nang tataas ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Batay sa pinahuling trading sa world market, posibleng tumaas ng P2.23 kada litro ang diesel habang nasa P1.40 naman sa kada litro ng gasolina at nasa P1.55 naman sa kada litro ng kerosene.
Inaantay na lamang ang final trading at final price estimates sa darating na Linggo at sa Lunes inaasahan na i-aanunsyo ng Department of Energy (DOE) ang pinal na oil price adjustment.