Photo Courtesy of BOC
Naniniwala si Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ariel Nepomuceno na may kapabayaan ang tatay ng estudyanteng namaril sa Ateneo de Zamboanga University.
Ayon kay Nepomuceno, pinauubaya na nila sa pulisya ang imbestigasyon pero nakikita niya talagang may kapabayaan sa parte ni Zamboanga City Port Customs Police Chief Lt. Lars Jalani.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, nakuha ng estudyante ang baril sa loob ng kotse noon inihatid ito papasok sa paaralan.
Bilang gun owner, dapat tinitiyak na hindi ito mapupunta sa ibang kamay lalo na sa bata.
Agad inalis sa pwesto ng BOC si Customs Police chief Lt. Lars Jalani para bigyang-daan ang isinasagawang imbestigasyon.