Kinumpirma ng Energy Regulatory Commission (ERC) na kumilos na sila upang itakda ang reserve price o ceiling price para sa itataguyod na auction ng Department of Energy (DOE).
Sa panayam ng BOSES kay ERC Chairperson, Atty. Francis Saturnino Juan mahalagang maitakda ang ceiling price sa ikakasang green energy auction dahil dito rin matutukoy ang mga plantang magtatayo ng istruktura para sa waste-to-energy program ng pamahalaan.
Ito rin kasi ayon kay Chairman Juan ang magiging pamantayan ng DOE kung sino-sinong planta ang kanilang aaprubahan para makilahok sa waste-to-energy program.
Paliwanag pa ng ERC na isang malaking tulong ito upang madagdagan ang kapasidad ng bansa pagdating sa energy production.
Imbes kasi na coal ang gagamitin ay basura na ang gagamiting panggatong upang makalikha ng enerhiya.